“HALIMUYAK”

Story of how the loss of my friend changed the way I live.

San Antonio Community Center S.Y 2007-2008 KINDERGARTEN

Wayback 2007,Naaalala ko ang di makabasag pinggan na katahimikan ni Raprap. We were in the same section when we was kindergarten, And yung bahay nila ay sa likod lang namin, then yung school namin sa harap naman ng bahay namin. My father and his father (Kuya Mon) known each other since their childhood.

Bata pa lang ako, I was inclined to smell things, Palagi ko napapansin ang mga pabango, si Raprap palagi ko naamoy ang halimuyak ng pabango niyan haha, Bata palang si Raprap, Sinasabi sakin ng mama ko, Alagang alaga yan ng Mama niya, kaya palaging malinis at mabango. That’s what I always notice about Raprap. Malinis talaga si Raprap bata palang, Naaalala ko din parehas din kaming may buntot sa batok ni raprap dati haha, paboritong hawiin ng teacher namin.

When we were Elementary, We are no longer the same school, Nag-aral si Raprap sa Makati and dito ako sa Manila, We have a different school that has caused us to gradually lose our friendship. Naging mahiyain kami na pansinin isa’t isa. Pag magkakasalubong kami, angatan lang ng kilay, Minsan di na nagpapansinan haha dahil parehas kaming mahiyain.


Hanggang sa mag-High School na kami, Nag-aral na kami sa parehas na eskwelahan, That time rin, Sacristan na siya dito sa aming Parokya, mas dumami kaibigan niya.

Nang mag grade 9 kami, Naging magkaklase kami, Napunta kami sa iisang section, masasabi kong sobrang solid ng section, A few months passed, August 2016, Unti unti bumabalik pagkakaibigan namin ni Raprap na nawala din ng ilang taon. Doon rin nagsimula na araw-araw na kaming sabay pumasok, Everytime na pupunta na ako sa bahay nila, tatawagin ko na yan “Raprap, Raprap!” Sasagot Mama niya “wait lang, nandyan na”, Paglalabas na yan ng bahay nila, aasarin ko yan, “Naligo ka na naman ng pabango” Tutugon siya ng tawa sabay mura. Then while walking, Napagkukwentuhan na namin about nung Kinder pa kami haha, na kapag nagsasalubong kami di kami nagpapansinan, Nagsisishan pa nga kami. at kung ano-ano pa. Palagi niya ako pinipilit magsimba pero kahit isang yaya niya di ko sinipot. Doon ko rin nalaman, how he value and prioritise the Church and the people there. May yabang si Raprap but what I said, He knows how to value, love and appreciate things and people especially his family and friends , Ito yung naghi-higlight everytime na makakasama ko siya palagi

Hanggang sa araw-araw na yun,Palagi na, sabay kaming papasok, kung minsan sabay naring uuwi. Kung minsan hindi kami sabay dahil mga may importante din kaming mga ginagawa like group works, projects. I can’t say that He’s my Best friend that time kasi may kanya kanya rin kaming kaibigan, Pero karamihan naman ng kaibigan niya, kaibigan ko na rin. Pero between us, Masasabi kong SOLID. He knows how to value and appreciate a friend,Alam niya yung nararamdaman ng isang tao. Marunong siya maki-bagay.

Promenade Night, March 17, 2017

Buwan pa ang dumaan, Mas naging matibay pa pagkakaibigan namin which caused me to gradually know him better at ng mga kaibigan rin namin, Madalas na tumambay si Raprap at iba pa naming kaibigan dito sa bahay kaya naging firm lalo yung friendship na meron ang bawat isa.

GRADE 10 (JUNE TO AUGUST 2017)

Brigada Eskwela noon, May 2017, Then saktong nilabas na yung list ng sections para sa mga incoming Grade 10,Nakita ko hiwalay na kami ng section ni Raprap, Agad ko siya chinat “Pre sabay parin tayo pasok?” then, he replied, “Kailangan paba imemorize yan haha” Lakas makaDJ no? Haha

Nang mag-grade 10 kami, Morning session na kami, 5:20AM kailangan nasa likod na ako (Bahay nila) 5:30AM kailangan nakaalis na kami,Ayan ang usapan. Minsan 6am wala pa ko sa tapat nila o di pa ako online, Dalawa ginagawa niyan ni Raprap haha, madalas pupunta na yan sa tapat ng bahay namin, pero nakasimangot haha, Minsan iniiwan nako hahaha. Magchachat na lang siya na nakaalis na siya. That’s just the way we lived then. Haha.

INTRAMURALS DAY AUGUST 18 2017

August 18, 4:30 AM, Nagbukas ako messenger, then nakita ko si Raprap online na, Bigla siya nagchat, “Russ sabay tayo” Pero sabi ko di ako makakasabay dahil 6am pa ako aalis, Tumugon siya “Sige lang, 6am tayo” Pero pinapauna ko na siya, That time makulit siya, 5:30AM na non, Bibili ako almusal, then nakita ko siya na papasok na tapos pinipilit niya parin na sabay kaming pumasok ng umagang yon pero pinapauna ko na siya “Ingat Russel” yan ang huling sinabi niya sakin.


Hindi ko alam na ng umagang yon ay huling beses ko ng maaamoy ang halimuyak ng pabango niya, Mapapalitan na pala ng halimuyak ng mga bulaklak at kandila.

AUGUST 18, 5PM “TAPOS NA ANG MASAYANG INTRAMS”

Hindi kami sabay sabay umuwi dahil kasabay ko kaibigan namin at kasabay niya mga kaklase niya. Nakauwi na ako bandang 5:15PM, Nahiga ako ng biglang may nagchat sakin via Messenger.

“Russ, kilala mo ba yung Joseph Munar ?” Oo ang reply ko. at nagtanong ako ng bakit. “Nasagasaan kase” But I ignored it because I thought I was being prank.


Lumipas ang 15 mins, Muling nagchat yung babae “Kuya patay na.” Para akong binuhusan ng tubig. Agad akong umakyat at umiyak sa Mama. I was restless, Raprap ako ng raprap. Tumakbo akong naka-paa papunta sa bahay nila at, Napaluhod ako sa sobrang panghihina, Sinundo ko ang lolo niya at sabay kaming pumunta sa pinangyarihan.

“Mom why do the best people die early?

” When your in a garden, which flower do you pick? “The most beautiful ones”

Dumating kami sa riles, Napakaraming tao, Habang papalapit kami ng Lolo niya, Nasalubong ako ng kaibigan namin, Agad kong tinanong “Si raprap nga?” Tumungo siya at nanginginig ang kamay. I ran and approached. He is, Raprap indeed, Kitang kita ko ang kaibigan ko, I sat down beside his body, bowed my head and closed my eyes while calling his name, At that time, Ang bango bango. Tinanong ko sarili ko “Bakit nangyari kay Raprap ‘to?” As time went on, Sobrang lakas ng ulan, Dumarami ang tao, at isa isa ng nagdadatingan ang mga kaibigan nya, Both in Church and School.

Habang pauwi ako, Tulala ako at balisa. Naririnig ko sa paligid ko ang mga balita at mga taong nagtatanong kung si Raprap nga. Tumutungo lang ako,

Wake of Raprap, 9-Mabini and 10- Aquamarine singing “Ang Huling El Bimbo” & “See you again”

Kinaumagahan, Habang nagaayos ako papuntang burol niya, Everything flashbacked since we were kindergarten, Habang naluha ako, Nagbagsakan lahat ng pabango na nasa likod ko. Siya agad ang naalala ko. Ang araw-araw na halimuyak ng pabango niya ay nagparamdam sakin.

He’s gone. Wala na yung kasabay ko palagi pumasok haha💔. Wala ng mamimilit sakin magsimba! Wala na yung nagtuturo sakin magpataba haha. Pilit kong hinahanap ang sagot sa mga tanong na, Bakit? Bakit sa ganoong paraan?

THE LOSS OF MY FRIEND WAS THE WAY I GOT TO KNOW GOD.

Lumipas ang ilang linggo, Sakristan na rin ako :>, Masaya ako. Somehow, I was able to continue what he started in Church , Sabi nga nila replacement. Kaibigan ko na rin ang mga kaibigan niya, Nawala man siya, Nagkaron naman ako ng mas marami pang kaibigan.

Buhay Santisima October 2019

Magmula ng namatay si Raprap, Napakadami kong tanong sa sarili ko at sa Diyos, Pero habang tumatagal, Nasasagot.

Sabi ko noon sa sarili ko, Kumpleto na buhay ko, Perfect na, Masaya na. May pamilya ako, Masaya ako sa sarili ko at kumpleto mga kaibigan ko. I realized that life should not be perfect, Because once you get everything you want. You will lose time to know God better. Even in Raprap ‘s second life, he still introduces me to God :>

Raprap has reached a place that we can no longer follow, rather di kami makakasunod pa dahil hindi pa namin oras. Raprap is already in a place where I can never pick him up again,Di ko na siya masusundo,Wala na akong susunduin :<. There is still pain until now because we can no longer hear his loud voices, laughs or jokes. Namimiss ko kaibigan ko.

Greater love has no one than to lay down your own life for your friends”

JOHN 15:13

The loss of our friend brought another opportunity, hope and another chance. As long as I live, aalalahanin ko ang mga alaala, ang halimuyak ng kahapon at magpapasalamat sayo Pre!, I will be grateful for the rest of my life because I had a friend like you :>. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nakilala ko ang Diyos. Ang pagkawala mo ang naging daan ko papunta sa Diyos. Salamat! Hanggang sa muling maamoy ko ulit ang Halimuyak ng pagkakaibigan natin Pre. Mahal ka namin.

Leave a comment